Saturday, February 26, 2011

Ang Talambuhay ni Milesa S. Funtanilla ng IV-Science

Ako noong 3 taong gulang

sa larawan:si Maritess, Ronilo, Marissa at ang aking ama


sa larawan:si Marissa, Maritess, Dennis at ako

Sa larawan:si Tatay at Inay

Ako noong 4 taong gulang

Ako at si Mylene Calupas

sa larawan:si ako,si Cielo Hernandez, Claire Cuaresmaat Marizthel Alcantara
     
     Pag-gising sa umaga, alam ko nang panibagong araw na naman ang aking kakaharapin sa umaga. Aayusin ko na ang sarili at maghahanda sa pagpasok sa eskwela. Mula sa bahay ay mahigit limang minuto akong maglalakad patungong sakayan papunta sa kabayanan. pagdating ko naman sa eskwela, samut-saring kwento ang maririnig ko mula sa aking mga kaklase. ang bawat araw na dumadaan sa akin ay pangkaraniwan lamang. Ako si Milesa Sanchez Funtanilla.at ganito ang buhay ko.


     Ipinanganak ako noong  ika- 13 ng Agosto taong 1994 sa kanayunan ng Soledad. Sina Domingo at Zenaida Funtanilla ang aking mga mahal na magulang. Simpleng pamumuhay ang ibinigay nila sa akin, Sila ang nagturo ng mga bagay na alam ko ngayon. Tinuruan nila ako ng kagandahang asal, kung papaano maging praktikal sa buhay at higit sa lahat ang magkaroon ng takot sa Diyos. Lima kaming magkakapatid, dalawang lalaki at tatlong babae. Sila ay sina Maritess, Ronilo, Marissa, Dennis at syempre Ako. Ako ang bunso sa amin. Subalit kahit ganun ay hindi nila ako sinanay sa mga materyal na bagay sa mundo. Si tatay ay isang trisikel driver at ang kanyang kinikita ay pinagkakasya ni Inay sa aming pang-araw-araw na gastusin. talagang kahanga-hanga kung paano niya ito nagagawa.


     Sa Paaralang Elementarya ng Soledad ako ay nagtapos ng pag-aaral. dito rin ako nagkamit ng ibat-ibang parangal at medalya sa ibat-ibang aspeto. Noong ako ay nagtapos dito ay nakatanggap ako ng medalya bilang "3rd Special Mention". Labis akong nagpapasalamat sa mga guro dito dahil binigyan nila ako ng matataas na marka. at dahil dito ngayon ay nasa mataas na section ako. Kasalukuyan akong nag-aaral ngayon sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Kabilang ako sa pangkat IV-Science na sabi nila ay matatalino daw. Sa paaralang ito ko nakilala ang mga mahal kong kaklase. Noong kami ay nasa first year level pa lamang ay apatnapu (40) kami sa klase. Ngunit hindi lumaon ay nabawasan din kami. Dalawa sa amin ang lumipat ng paaralan at ang isa naman ay umalis sa aming section. Noong kami ay nasa sophomore level ay tatlumput-pito  na lang kami. Subalit ngayong nasa senior level na kami ay dalawamput anim na lamang kaming natira.Ilan sa mga kaklase ko ay inalis na sa aming pangkat.Ngayon ay masasabi kong malakas na ang aming pagsasamahan.


     Sa buhay hayskul ko ay madami akong nakilalang naging bahagi na ng aking buhay. Syempre, hindi mawawala dito ang aking best friend na si Mylene Llagas Calupas, Na sa ngayon ay kumukuha ng Bachelor of Criminology sa LSPU. Noon ko din nakilala si Anna May Villeta Angeles na talagang nagpasaya ng buhay ko. Maging si Mervin Noel Marfori Ocampo ay hindi ko din malilimutan dahil siya ang ultimate crush ko ngayong High School.


     Bumalik naman tayo ngayon sa panahon ng aking kamusmusan. Wala ako masyadong maalala dito. Noon kasi wala akong masyadong kalarong ibat-ibang bata. kasi nga malayo ang bahay namin. Madalas ko lang kalaro ay ang kuya ko na si Dennis kasi dalawang taon lang naman ang pagitan ng edad namin. Bukod pa dito ay ang tatlo ko pang pinsan n lalaki ang madalas kong kasama noon. Madami akong manika noon pero hindi ko naman magamit kasi puro lalaki ang mga kalaro ko. Kadalasan pa nga namin libangan noon ay pag-akyat ng puno at pag-gawa ng bahy-bahayan. Sa pagkakatanda ko pa noon, sa tuwing kaarawan ko ay parang ordinaryong araw lang ang dumadaan sa akin. Pag Pasko naman ay wala akong mapuntahang Ninong o Ninang man lang, kasi dalawa lang ang may inaanak sa akin. Si Ninong Noriel ay wala na. Sumalangit nawa ang kaluluwa nya, maaga siyang kinuha ni Lord. Ang isa naman ay si Ninang Nora, Pero wala siya sa Pilipinas kasi nasa New York siya. Tahimik lang akong bata at hindi ako masyadong malapit sa mga pinsan ko pang iba.


    Sa buhay hayskul ko nga din pala naranasan ang lumahok sa ibat-ibang organisasyon tulad ng Red Cross Youth at Mary Help of Christians Crusade. (MHCC) at naging Presidente din ako ng Values Club ng aming School. Sa MHCC ako labis na nasiyahan. Dito ko nakilala sina Sr. Maria Cyrille at Sr. Maria Prophetarum. Masaya ako dito kasi naman feeling ko ang banal na banal ko kapag sila ang kasama ko. Mga madre kasi sila kaya pati ako nahahawa sa kabanalan nila(hahaha). Ngayon malapit na ang araw ng pagtatapos namin. kaming mga graduating ay nahihirapan nang mag-isip kung anong kurso ang kukuhanin sa kolehiyo. Subalit ako, nais kong maging isang guro, subalit ng maging miyembo ako ng MHCC ay parang naguguluhan ako kung ano ang dapat kong kuning bokasyon Nais ko talagang maging guro pero parang may higit pang nais sundin ang kalooban ko.


     Ito ang simpleng talambuhay ko. Salamat kay Ginoong Lacsam dahil kami ay nagkaroon ng pagkakataon na ibahagi ang buhay namin.   
  

No comments:

Post a Comment