ccourtesy of http://www.google.com.ph/images? |
Alas-siyete umaga. Sa pag-gising ko mula sa aking mahabang pagkakahimlay ay masasabi kong handa na ako sa panibagong araw.Ako si Liam , dalawampu't-dalawang taong gulang. Masuwerte ako dahil nagawa kong mabuhay mula sa mapait kong nakaraan. Ibig sabihin ngayon ay nasa kalagitnaan na ako ng taong 2099 kung saan malaking pagbabago sa mundo ang naganap. Ngayon natuklasan na ng tao ang ilan sa mga planetang papalapit ng papalapit sa ating planetang Daigdig. Natuklasan na rin ng tao na ang mga planetang ito ay kakaiba at maaaring may buhay.
Walumpu't-walong taon na ang nakakaraan nang isang malakas na pagsabog ang nangyari. Inakala ko noon na ako ay patay na at ang mundong aking kinalakihan ay tuluyang nawaka na. Marami sa lipi ng mga tao ay naubos na. Ang mga mahihina ay hindi kinaya ang pangyayari at naglaho na lang. Kaming mga sinuwete ay natira at nabubuhay pa hanggang sa ngayon. Hindi ko alam kung gaano karami kaming mga sinuwerteng mabuhay. Nabura na sa mundo ang pitong kontinente ng asya.Sa lugar namin, dito sa Lauro Dizon ay mangilan-ngilan lang ang aking kakilala. Hindi ako pala-labas ng bahay. Sa pagpasok ko sa trabaho dito sa Lauro Dizon bilang isang guro ay hindi ko ninais. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Subalit hindi ko alam kung paano ko ito natunton.Ang alam ko lang ay may kakaiba dito na para bang may tumatawag sa akin.
Usap-usapan ngayon sa Lupon ng mga Volturri, makapangyarihang grupo na siyang namumuno sa buong Lauro Dizon, ang mga "mutants'' kung tawagin. Ito raw ay mga ekstra- ordinaryong mga tao na hindi kapani-paniwala ang kakayahan. Pinagtatalunan sa lupon kung ano ang dapat gawin sa kanila. Nahahati sa dalawang pangkat ang lupon ng Volturri. Isa ay ang pangkat ng Zephyr at ang isa pa ay ang Zoetrope. Ang pangkat ng Zephyr ay naniniwala na ang mga mutants ay dapat pabayaan lamang na manirahan kasama ng mga tao. Samantala, ang pangkat naman ng Zoetrope ay kabaligtaran nila. nais nilang lipulin ang mga lipi ng mutants.
Ako ay nagtapos din bilang isang pagiging scientist, kung kaya nakilala ko si Dr. Sync. Malapit kaming magkaibigan. Naging guro ko siya noon at ngayon ay hinahangaan niya ako sa taglay ko raw na talino.
Si Dr. Sync ay may sariling laboratoryo. Matatagpuan ito sa may Room 27 sa Lauro Dizon. Ako ang kanyang kanang-kamay dito. Si Dr. Sync ay abala ngayon sa pag-aaral ukol sa mga mutants. Ako ay katulong niya sa pag-aaral ng mga genes ng mga ito.
Ang mga mutants ay katulad din ng mga tao. Normal sila kung titingnan subalit higit silang may abilidad kumpara sa atin. Sa loob ng laboratoryo ni Dr. Sync ay kasama ko ang ilan sa mga mutants. Sila ay nagkusang lumapit kay Dr. Sync upang humingi ng tulong dahil sa hindi sila tanggap sa lipunan. May ilan kasi sa mga mutants na ginagamit ang kanilang taglay na abilidad sa paggawa ng masama. Sila ang dahilan kung bakit sumasama ang tingin ng lahat sa mga mutants. Si Mr. Charles ay kalala sa buong Lauro Dizon dahil sa kanyang katalinuhan. Kabilang siya sa pangkat ng mga Zoetrope. Subalit lingid sa kaalaman ng nakakarami ay may taglay pala itong kasamaan.
Si Logan ay isang sundalo dati sa Lauro Dizon Military Academy na nakadestino noon sa mga dagat na sakop ng aming lugar. Ngayon ay isa na lamang siyang driver ng isang pabrika. Isang gabi , sa kanyang pagbiyahe ay hindi niya inaasahan na may kasama pala siyang isang babae sa likod ng trak. '' Bumaba ka na diyan at umalis ka na!'', wika ni Logan sa kanyang galit na tinig. Bumaba nga ang babae at humingi ng naman ito ng pasensya sa kanya. Iniwan ni Logan ang babaeng nag-iisa sa gitna ng daan. Subalit hindi nakatiis si Logan. Nakonsensya siya kung kaya't binalikan niya ito ang kaawa-awang babae at muling pinasakay sa loob ng kanyang trak.
'' Bakit nasa likod ka ng truck ko? Sino ka ba? Wala ka bang sariling bahay?'', sunod-sunaod na tanong ni Logan sa babae.
'' Ako si Jane. Lumayas ako sa amin. Hindi ako normal tulad ng ibang tao. Lahat ng lumalapit sa akin at humahawak ay namamatay.'',pagsasalaysay ng babaeng si Jane.
''Aah ...'',walang ganang tugon ni Logan.
Ilang minutong katahimikan ang nakalipas sa pagitan ng dalawa.
''Nilalamig ka ba? May heater dyan buksan mo na lang kung gusto mo'',wika ni Logan kay Jane.
Lumapit ng kaunti si Logan kay Jane at di inaasahang napadikit siya sa balat ni Jane. '' Wag kang lumapit sa akin!'',nabiglang sigaw ni Jane. Nagulat si Logan sa inasal ni Jane.
Biglang may parang kung ano ang bumangga sa kanilang trak.Tumalsik palabas ng trak. Isang malaking mutant ang umatake sa kanya. Sinugod nito si Logan at halos patayin na. Biglang may kung anong bakal ang lumabas sa kanyang mga kamay. Hindi ito inaasahan ni Logan. Lingid sa kaalaman niya na isa pala siyang mutant. May dumating pang dalawang mutant atb tinulungan sina Logan at Jane. Pagkatapos nito ay kapwa sila nawalan ng malay.
Nang magising siya ay nasa laboratoryo na sila ni Dr. Sync. Ang una niyang nasilayan ay isang babae- si Liam. Sinakal niya ito ta halos hnd na makahinga si Liam sa sobrang higpit ng hawak nito. Pilit na umaalis si Logan sa laboratoryo. Dumating si Dr. Sync at pinaliwanagan si Logan. Sinabi ni Dr. Sync ang kanyang layunin. Nais lamang niyang tumulong sa mga mutants na tulad ni Logan. Sinabi rin ni Dr. Sync na ang umatake sa kanila ay si Magnito. Subalit hindi nya alam ang pakay nito sa kanila ni Jane.
Nang maliwanagan si Logan sa mga tunay na nangyari ay itinanong niya kung kamusta na ang kalagayan ni Jane. Nasa mabuti naman daw itongan ni Jane. Nasa mabuti naman daw itong kalagayan ayon sa doktor. Humingi naman ng despensa si Logan kay Liam. Sinabi ni Dr. Sync na kung maari sana ay sumailalim si Logan sa isang pagsusuri upang maunawaan kung anong uri ng kakayahan mayroon si Logan. Sumang-ayon naman dito si Logan.Pagkatapos nito, ipinaliwanag ni Liam ang kanyang natuklasan."Isang pambihirang bakal ang nasa loob ng katawan ni Logan. Bakal na hindi maaring masira dahil sa sobrang tibay nito.", paliwanag ni Liam.
Dumating sina clark at Margo. Pinakilala ni Dr. Sync ang dalawa kay Logan."Sila ang nagligtas sa inyong dalawa kanina." Nagpasalamat naman si Logan sa mga ito. Tulad ni Logan ang dalawang ito ay may pambihira ding kakayahan. Si Clark ay may abilidad na gamitin ang kanyang laser sa pamamagitan ng mata niya. Kunnng kaya't kikailangan niya ang palagiang pagsusuot ng espesyal na uri ng salamin. Si Margo naman ay maaaring kontrolin ang panahon. Kaya rin niyang tumawag ng ulan at kidlat.Pinuntahan ni Logan si Jane at niyaya ng umalis, pumayag naman ito kaagad. Nagpaalam na sila kay Dr. Sync at sa iba pa. Pagkatapos ay tuluyang ng umalis. Sumakay sila ng istasyon ng tren. Subalit hindi nila inaasahan na hanggang doon ay susugudin pa din sila ni Magnito.Kasama pa nnnni Magnito si Mr. Charles. Ito ay may kakayuahan na kontrolin ang anumanng uri ng bakal. Dahil dito walang nagawa si Logan nang kuhanin ng mga ito si Jane. Umalis sina Mr. Charles na dala-dala si Jane. Mag-isang bumalik si Logan sa laboratoryo at sinabi ang nannngyari. Nangako naman si Dr. Sync na tutulungan niya si Logan na mabawi si Jane. Bumuo ng plano ang grupo. Napag-alaman din na ang tunay na pakay n i Dr. Sync ay ang abilidad ni Jane na humigop ng kapangyarihan.Napagpasyahan agad nila na iligtas si Jane.
Pinaghandaan nilang mabuti ang gagawing pagbawi kay Jane. Hinarap nila sina Mr. Charles at Magnito. Nadiskubre nia na ang tunay na pakay ng mga ito ay gawing mutants anng lahat ng natitirang mga tao sa Lauro Dizon at sa pamamagitn ni Jane maisasakatuparan nila ang balak nilang ito.
Ilang sandali na lang ay matutupad na ang pinaplano nng mga ito. Kaagad ng tinalo nina Clark at Margo si Magnito. Matapos nito ay pinagtuunan na nila ng pansin si Mr. Charles. Si Logan ang humarap dito. Bagaman hindi siya makagalaw dahil sa kontrolado siya nito ay nagawa pa din niyang paglabanan at natalo din si Mr. Charles. Pinnnuntahan nila si Jane. Kapansin-pansin ang malakas na pwersa na bumabalot kay Jane. Nagtulong-tulong ang tatlo. Ginamit ni Margo ang kanyang kakayahang kumontrol. Samantala si Clark naman ang tumira sa nakabalot na pwersa kat Jane. Si Logan ang tuluyang sumira nito. Nagtagumpay ang tatlo. Subalit hindi sila sigurado kung buhay pa si Jane. Niyakap ni Logan si Jane upang isalin ang natitira niyang lakas kay Jane. Pagkatapos ay nawalan na ng malay si Logan.
Paggising ni Logan ay nasa laboratoryo na muli siya ni Dr. Sync. Ang mukha muli ni Liam ang una niyang nakita. Kinamusta ni Liam si Logan at sinabi naman nitog maayos na siya. Tinanong ni Logan ang kalagayan ni Jane.
"Sa tingin ko ay nahuhulog na sayo si Jane",wika ni Liam.
"Hindi iyan maari dahil may nagmamay-ari na ng puso ko",pagkasabi nito ay tumingin ng diretso si Logan sa mga mata ni Jane.
"Logan ..." Pinutol na ni Logan ang usapan nila ni Liam at umalis na muna.
Pinuntahan muna ni Logan si Jane.
Nagpasya si Logan na umalis ng mag-isa. Nakita siya ni Jane at sinundan.
"Iiwan mo na aq?"
Hindi sumagot si Logan at inaabot lang ang kwintas niyang nakuha mula sa kanyang pagsusundalo.
" Babalikan ko yan. Itago mo sana yan at paka-ingatan". Tuluyan nang umalis si Logan. Naiwan si Jane na mag-isa. Tanging luha kang ang kanyang naitugon.
No comments:
Post a Comment